Seafarer na positibo sa Delta Variant sa Brgy. San Isidro, Sto Domingo, Albay nakarekober na

LEGAZPI-Kinumpirma ni Barangay Kapitan Boogie Balila ng barangay San Isidro bayan ng Sto.Domingo lalawigan ng Albay na nakarekober na ang residente nito na nagpositibo sa Delta Variant ng Covid-19.

Ayon kay balila ang nasabing pasyente ay isang Overseas Filipino worker o seafarer na residente ng Tambangan San Isidro na mayroong travel History sa Japan.

Umuwi umano ito sa Pilipinas noong July 29 at isinailalim sa swab testing noong August 5 at nagpositibo sa Covid- 19 at agad na naconfine sa manila doctor’s na kung saan bago man nakauwi sa Bicol Region ay negatibo na ito sa sakit noong August 19.

Bilang parte umano ng pag-iingat, sumailalim pa ito sa 14 days home quarantine habang isinumite naman ang sample sa Philippine Genome Center.

Sa kumpirmasyon ng Municipal Health Unit, bumaba ang resulta noong August 6 at agad na isinailalim sa re-swabbing at kahapon nga ay negatibo ito.

Kasama pa rin sa pag-iingat, isinagawa pa rin ang contact tracing sa mga posibleng nakahalubilo nito.

Sa ngayon, muling nanawagan si Balila sa mga residente na sumunod sa minimum health prorotocols para maiwasan na ang pagkalat ng nakakahawang virus.

Samantalang sa record naman ng nasabing barangay pumalo na sa 12 na mga residente ang tinamaan ng Covid-19 at lahat ng ito ay gumaling na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *