Higit ₱1M halaga ng iligal na droga, nasabat sa Dasmariñas City, Cavite

Nasabat sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad ang nasa mahigit isang milyong pisong halaga ng iligal na droga mula sa isang lalaki na umano’y tulak sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ng Dasmariñas City Police Station ang suspek na si alyas “Arman” at residente ng Brgy. Datu Esmael sa naturang lungsod.

Ayon sa report, aktong nahuli na nagbebenta ng hinihinalang shabu ang suspek sa isang pulis na nagkunwaring buyer.

Narekober sa suspek ang aabot sa limang pakete ng hinihinalang shabu at perang ginamit bilang buy-bust money.

Sa kabuuan ang nakumpiskang ebidensya ay may timbang na 150 grams na tinatayang aabot sa halagang P1,035,000.

Nasa kustodiya na ng Dasmariñas City Police Station ang naarestong suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *