‘Love triangle,’ tinitingnang motibo sa pamamaril-patay sa bus driver

Posibleng ‘love triangle’ umano ang naging motibo sa pamamaril-patay sa bus driver, madaling araw noong Nobyembre 22 sa Purok 1, Brgy Tugos, West District, Sorsogon City.

Kinilala ang 51-anyos na biktima na si Donnie Dean Malayo Benitez, may asawa at naninirahan sa Brgy Salvacion, Pamplona, Camarines Sur.

Habang ang suspek na nakilala na at residente ng ibang lugar ay kasalukuyang tinutugis ng tracker team ng Sorsogon City Police Station.

Inihayag sa imbestigasyon ng pulisya na nang dumating sa bahay ng kanyang live-in partner ang biktima ay laking gulat umano nito nang madatnan ang kanyang live-in partner at ng suspek na ‘half naked.’

Dito na umano nagkaroon ng komprontasyon ang biktima at suspek na nauwi pa sa suntukan hanggang sa kinuha ng biktima ang kanyang baril sa bag, muli pang nagpambuno ang dalawa hanggang maagaw ng suspek ang baril at walang kaabog-abog na pinagbabaril na ang biktima saka umiskapo matapos ang krimen.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang apat na basyo ng bala mula sa kalibre .45 na pistola.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *