Higit 12K na aso, nabigyan ng libreng bakuna sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Nakatanggap ng libreng bakuna ang aabot sa 12, 428 na aso habang nasa 1, 625 naman na pusa sa lungsod ng Sorsogon.

Ayon sa City Veterinary Office, nadagdagan ang bakunadong mga alagang aso laban sa rabis ng 20 porsyento kumpara noong nakaraang taon.

Naniniwala naman ang City Vet na dahil sa suporta at kooperasyon ng mamamayan sa lungsod, naisakatuparan at napagtagumpayan ang kanilang anti-rabies campaign sa kabila ng banta ng Covid-19.

Aniya pa, ngayong mayroong sakit na lumalaganap sa bansa, dapat din isipin ang kalagayan ng mga alagang hayop.

Ang libreng pagbabakuna ay bahagi ng pakikiisa sa selebrasyon ng World Rabies Day na may temang “Rabies: Facts, not Fear.’’

Ang tema sa taong ito ay nakatuon sa pagbabahagi ng mga katotohanan tungkol sa rabies, at hindi sa pagkalat ng takot tungkol sa sakit sa pamamagitan ng pagpapakalat ng maling impormasyon at mitolohiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *