Higit 138-Million spam at scam messages naharang ng isang telco

Aabot sa 138 milyong spam at scam messages ang naharang ng isang telecommunication company simula Enero hangang Hunyo ngayong taon.

Sa isang pahayag sinabi ng Globe na noong buwan ng Mayo lamang ay umabot sa 74.48 milyon ang nasalang spam at scam messages ng telco giant.

Kasama sa kabuuang bilang ang mga local at international na app-to-person (A2P) at person-to-person (P2P) messages.

Na-deactivate din ang 12,877 mobile numbers mula Enero hanggang Mayo dahil sa mga report ng customers gamit ang Stop Spam web portal.

Pinayuhan naman ang mga mobile users na magdagdag proteksyon sa sarili at gumamit ng spam filters na available sa mga Android phones.

Magugunitang ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa mga mobile network service providers na balaan ang kanilang subscribers sa mga naglipanang text scams.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *