Higit 1,800 na pamilya sa Region 2, naapektuhan ng bagyong Kiko

Naapektuhan ng bagyong Kiko ang nasa 1,839 na pamilya na binubuo ng 5,960 na indibidwal mula sa probinsya ng Cagayan, Isabela at Batanes.


Ito ang kinumpirma ni DSWD RFO2 Disaster Response Management Division Chief Marciano Dameg sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.


Mula sa nasabing bilang, naapektuhan ang nasa 134 na pamilya o 401 na indibidwal mula sa 11 na barangay sa Maconacon at Divilacan, Isabela.

Habang 92 na barangay naman sa Cagayan ang apektado at tatlo (3) sa Batanes na kinabibilangan ng Itbayat, Sabtang at Ivana.


Ayong pa kay Chief Dameg, mula sa 97 na evacuation center sa rehiyon ay dalawa na lamang ang nananatiling bukas.


Ito ay ang evacuation center sa Itbayat at Sabtang, Batanes kung saan 30 pamilya ang nananatili rito.


Simula kahapon, araw ng Linggo ay nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga residenteng naapektuhan ng bagyo sa Cagayan at Isabela.


Samantala, bagaman pahirapan aniya ang pagkuha ng mga reports ng field office monitoring response team sa mga naapektuhan sa Batanes dahil sa pamamagitan ng text message lamang ang kanilang ginagamit ay magpapatuloy pa rin ang kanilang pagtukoy sa mga apektadong residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *