Higit 18,000 benepisaryo sa rehiyon, nakatanggap ng CCAM Cash for work ng DSWD RFO2 mula June-September, 2021

Umabot na sa 18,340 na benepisaryo sa Lambak ng Cagayan ang nabigyan ng Department of Social Welfare and Development Regional Field Office 2 nabigyan ng tulong pinansya mula June 22 hanggang September 16,2021.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa DSWD RFO2, nasa 49,518,000 pesos na ang kabuoang pondong inilaan para sa mga benepisaryo mula sa 84 na bayan sa rehiyon.

Ito ay sa ilalim ng Climate Change Adaptation and Mitigation (CCAM) Cash-for-work (CAF) project ng ahensya.

Layunin nitong mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga displaced individuals.

Ilan sa ibinibigay na trabaho ay ang partisipasyon ng mga ito sa mitigation, relief, rehabilitasyon o risk reductions projects sa komunidad o sa mga evacuation center.

Kapalit ng kanilang pagtatrabaho ay mabibigyan ang mga ito ng tulong pinansyal upang matugunan ang kanilanh pangangailangan.

Target ng DSWD RFO2 ang nasa 22,979 beneficiaries ng CCAM cash-for-work.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *