20 na magsasaka sa Baculod, Cauayan City; nagsanay sa ilalim ng PAF reservist pafcit project ng TOG2

Sumailalim sa pagsasanay sa climate resilient farm ng Philippine Air Force Reservist ang nasa 20 na magsasaka sa Barangay Baculod Cauayan City.

Inihayag ni LTC Charles Marthy Senosa,PAF ang bagong Deputy Group Commander ng Tactical Operations Group 2 sa ika-27th episode ng UP-UP Cagayan Valley, ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng PAFCIT project na tinawag na Rice Based Integrated Farming System ng TOG2 katuwang ang PAFMOG at City Agriculture Office.

Aniya, layunin ng nasabing proyekto na magbigay ng skills training sa mga magsasaka para sa implementasyon ng modern farming techniques upang mapabilis ang kanilang food production.

Bukod dito, kasalukuyan naman ang Livelihood Community Project Assesment ng TOG2 katuwang ang Chairman ng Brgy Centro 3, Angadanan Isabela kung saan 10 estudyante ng CMO intervention team ang nabigyan ng transportasyon upang maisagawa ang kanilang assessment exam bilang requirement sa kanilang NCIII Certificate.

Samantala, nagkaroon naman ng bamboo planting activity ang TOG2 katuwang ang CENRO Cauayan at City Tourism office sa Hacienda San Luis bilang suporta sa kanilang Environmental program at selebrasyon ng World Tourism Day 2021.

Sa ngayon, ayon kay LTC Senosa ay nagpapatuloy ang pagtulong ng TOG2 sa pamamahagi ng food packs, pagsasagawa ng Rapid Damage Assessment and Need Analysis(RDANA) o aerial inspection sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong Kiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *