Higit dalawang pisong rollback sa diesel at kerosene, kasado na bukas

Matapos ang ilang linggong dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo – simula bukas ay asahan na ang rollback sa lahat ng mga oil products.

Sa abiso ng oil companies, tatapyasan ng P2.15 ang kada litro ng diesel.

Babawasan din ng P2.10 ang kada litro ng kerosene.

Samantala, mula sa tinatantyang pisong rollback sa gasolina – bumaba na lamang ito sa (P0.40) kuwarenta sentimos na bawas sa kada litro.

Bunsod ito ng tumaas na premium at freight costs.

Epektibo ang adjustment, bukas, alas-sais ng umaga sa Shell, PetroGazz Philippines, SeaOil PTT Philippines; habang hatinggabi naman ito epektibo sa Caltex, at CleanFuel Philippines.

Samantala, ngayong hapon ay inasahang mag-aanunsyo na rin ng adjustments ang iba pang oil companies.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *