US 2nd Gentleman Emhoff, kinumpirma ang $5M USD na tulong para sa PH vaccination rollout

Aabot umano sa $5million investment ang bitbit ni US Vice President Kamala Harris sa Pilipinas para sa COVID-19 vaccine rollout at bilang inisyatibo sa pagtulong sa mga Filipino veterans at mga child survivors ng online exploitation.

Ayon sa US embassy, ang 5million dollar investment ay idadaan sa Global VAX initiative laban sa COVID-19.

Samantala, bagamat depende sa availability ng pondo, mag-i-invest din ang US government ng $8million para matulungan ang Pilipinas sa pag-iwas sa mga avoidable outbreaks, mas maagang pagtukoy sa mga banta sa kalusugan at ang pagtugon oras na pumutok na ang outbreak.

Maliban pa dito ang US Centers for Disease Control and Prevention establishment ng bagong country office nito sa Pilipinas bilang patunay na kasama sa privitization ang US-Philippine health partnership sa ilalim ng Global Health Security Agenda.

Tiniyak din ng US Department of Veterans Affairs na may benepisyo ang mga Filipino veterans at ng kanilang pamilya sa batas na nagpapalawak sa health care and benefits para sa mga veterans na exposed sa burn pits at iba pang toxic substances.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *