Higit P100K na halaga ng droga, nasabat

Nasabat mula sa isang drug personality ang higit P100,000 na halaga ng shabu sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga awtoridad noong Sabado, ika-apat ng Mayo sa Bayan ng Echague.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, kinilala ang suspek na si alyas “Jana”, 31-anyos, at residente ng Angadanan, Isabela.

Anim na pakete ng hinihinilang shabu ang nasakote mula sa kaniya kaya’t mahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *