Higit P2.00 ROLLBACK, asahan next week

Bahagya nang makahihinga ang mga motorista matapos ang ipinatupad na ‘big-time’ oil price hike ngayong linggo.

Simula kasi next week ay posibleng ipatupad ang panibagong round ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Dir. Rino Abad, maganda ang naging indikasyon ng international trading sa nagdaang mga araw.

Dahil dito, asahan umano ang P2.00 hanggang P2.50 na tapyas sa kada litro ng gasolina.

Maaari rin ang higit sa P1.00 rollback sa kada litro naman ng diesel at kerosene.

Sa kabila nito, mayroon pang natitirang trading ngayong araw at posible pa itong magbago.

Matatandaang nitong Martes nang ipatupad ng oil companies ang P6.10 na price hike sa diesel at kerosene.

Asahang maga-anunsyo ang mga kumpanya ng langis ng opisyal na price adjustment sa araw ng Lunes; habang ipatutupad naman ito sa Martes sa susunod na linggo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *