Hacker, arestado sa Cabuyao City, Laguna

Arestado ang isang binata na umano’y scammer/hacker habang nakatakas naman ang kasama nito sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Banlic, Cabuyao City, Laguna.

Kinilala ng Cabuyao City Police Station ang suspek na si Jazer Del Mundo y Maitim, 21 anyos at residente ng Purok 2, Brgy. Banlic, Cabuyao City, Laguna.

Nakatakas naman ang kasama nitong si Neil Patrick Magas alias ‘Potpot’, nasa legal na edad at residente ng Brgy. Banlic, Cabuyao City, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, nagtagumpay ang dalawa na ma-hack ang Facebook account ng biktima na si as Andrew Capacete y Sescia, 30, isang freelancer.

Matapos na ma-hack ang account ng biktima ay nagkunwari ang dalawa na si Andrew at nanghingi ito ng pera sa kanyang mga FB friends sa pamamagitan ng messenger.

Dito na nagtaka ang kanyang mga kaibigan at nalamang hindi pala si Andrew ang kanilang kausap kundi ang dalawang scammers.

Nagawa nilang ma-contact ang may-ari ng GCash account kung saan nila ipinadala ang pera.

Sa koordinasyon ng encashment store owner ay nakuha nila ang impormasyon ng naturang suspek at tuluyang itong nakilala.

Agad itong inireport ng biktima sa barangay kasama ang kanyang mga kaibigan at idinulog sa mga awtoridad.

Nahaharap ngayon sa kasong identity theft at estafa ang suspek o paglabag sa Republic Act No. 10175 o ‘Illegal Access and Computer-Related Identity Theft’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *