Higit sa 24k bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health ng 24,100 na mga bagong kaso ng COVID-19 mula July 25 hanggang 31.

Sa latest bulletin ng Kagawaran, aabot sa 3,443 ang average na mga bagong kaso kada araw.

Mas mataas ito ng 24% kumpara sa mga naitalang average ng kaso mula July 18 hanggang 24.

Samantala, 744 naman ang bilang ng mga malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa mga ospital.

Bago ito, una nang naglabas ng bagong oberbasyon ng OCTA Research ung saan ay tumaas din ang positivity rate sa ilang mga lugar sa Visayas at sa Mindanao.

Kabilang na rito ang Capiz na mayroong 51.2 percent; Aklan sa 36.9 percent; Antique na mayroong 28.7 percent; Bohol sa 28.2 percent; at Negros Oriental na mayroong 27.6 percent.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *