Hinugyaw Festival sa Koronadal, ideneklarang Special Non-Working Day sa Enero 10

KORONADAL CITY – IDENEKLARA bilang Special Non-Working Day sa buong lungsod ng Koronadal ang Enero 10, 2024. Ito ang base sa Proclamation No. 416 na ipinalabas ng Malacana Palace na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Kaugnay ito sa nakatakdang selebrasyon ng 84 Foundation Anniversary at Hinugyaw Festival 2024.

Ipinagtibay ang proklamasyong ito noong buwan ng Disyembre 2023 sa layuning maipahayag pa ang kautusang ito sa lahat ng mga pampubliko at pribado na mga opisina at institutions sa lungsod.

Layunin din nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamayan ng lungsod na gayundin ang karatig na mga bayan na makapag-participate sa mga inihandang aktibidad ng City Government Koronadal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *