Hontiveros, tiniyak na magkakaroon ng epektibong minorya sa Senado/

Tiniyak ni Senadora Risa Hontiveros na magkakaroon ng epektibo na Senate Minority pagpasok ng 19th Congress.

Matatandaan kasing si Hontiveros ang natatanging miyembro ng opposition slate na nakapasok sa nagdaang halalan.

Ayon sa mambabatas, napakahalaga aniya ng pagkakaroon ng maayos at epektibong minorya sa Kongreso.

Maliban pa rito, muli ring tiniyak ni Hontiveros na mananatili ang check and balance ng Mataas na Kapulungan ng Senado.

Sa huli, makasisiguro aniya ang publiko na hindi magiging ‘rubber stamp’ ang Senado at pananatiliin pa rin nito ang independence mula sa administrasyon.

Sa ngayon, tanging si Senador Koko Pimentel pa lang umano ang nakakausap niya sa mga posibleng sumali sa Senate Minority.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *