Celtics isang panalo nalang para makapasok sa 2022 NBA Finals

Namumuro na ang Boston Celtics para muling makapasok sa NBA Finals.

Naungusan na ng Celtics sa serye, 3-2, ang katunggali nitong Miami Heat matapos tambakan sa Game 5 ng Eastern conference finals, 93-80.

Nagpasiklab para sa Boston sina Jaylen Brown na nagtala ng 25 points at Jayson Tatum na humakot ng 22 points at 12 rebounds.

Malamig naman ang naging opensa ng Miami na pinangunahan ni Bam Adebayo sa kanyang 18 puntos at 10 rebounds.

Si Jimmy Butler ay nagkasya lamang sa 13 points matapos ang 4 of 18 shooting habang bokya naman ni Kyle Lowry sa kanyang anim na tira.

Susubukan ng Celtics na tapusin ang serye sa kanilang home court kung saan gaganapin ang Game 6 sa darating na Sabado, May 28, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *