Hornets laglag, Celtics pasok sa NBA playoffs

Sinelyuhan ng Boston Celtics ang 7th spot sa Eastern Conference para makaabanse sa NBA playoffs.

Ito ay matapos nitong talunin ang Washington Wizards sa kauna-unahang play-in tournament, 118-100.

Naging susi sa panalo ng Celtics ang 50-point performance ni Jason Tatum na dinagdagan pa ng 29 puntos mula kay Kemba Walker.

Makakalaban naman ng Boston ang no. 2 seed sa East na Brooklyn Nets sa 1st round ng playoffs.

Samantala sa kabila ng pagkatalo buhay pa ang pag-asa ng Wizards para sa post season appearance dahil makakalaban nito ang Indiana Pacers para sa 8th spot.

Tinalo kasi ng Pacers ang Charlotte Hornets 144 -117.

Samantala bukas, tampok naman ang defending champion Los Angeles Lakers vs Golden State Warriors na magtutuos para sa 7th seed habang do-or-die naman ang Memphis Grizzlies kontra San Antonio Spurs sa Western Conference play-in tournament.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *