Human trafficking sa PH, hindi daw dapat nangyayari kung walang nagpapalusot

Hinimok ni Senadora Grace Poe ang pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga batas nito na nagpapahintulot ng paglaganap ng human trafficking sa mga cyber scam hubs sa bansa.

Mariing sinabi ni Poe, na malinaw naman na kung walang nagpapalusot, walang nakalulusot.

Dahil dito, enforcement aniya talaga ang problema.

Hindi aniya magiging ganito kagrabe ang problema kung ginagawang mabuti ng mga government officials ang kanilang trabaho.

Kasabay nito ay inihain ng senadora ang Senate Resolustion 595, na humihiling na imbestigahan ang umano’y human trafficking at cyber fraud operations ng marketing firm sa  Clark Sun Valley hub sa Pampanga. // SM, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *