Hybrid rice seeds, ipinamamahagi na ng Cauayan City agriculture office sa mga magsasaka

Kasalukuyan pa rin ang ginagawang pamamahagi ng Cauayan City Agriculture Office ng hybrid rice seeds sa mga magsasaka sa lunsod para ngayong dry season.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, sinabi niya na noong nakaraang linggo pa sila nagsimulang mamahagi ng mga binhi.

Ayon sa kaniya, mayroong 7, 720 na ektarya ng palayan ang pinaglaanan ng hybrid rice seed sa lunsod kung saan 6, 445 dito ang with fertilizer voucher na nagkakahalaga ng 3,000 pesos at 775 naman ang without fertilizer.

Aniya, ang mga magsasaka na nabigyan ay nakarehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA) bagaman nabanggit din nitong hindi lahat ng nasa RSBSA ay mabibigyan.

Ayon sa kaniya, pangunahing mabibigyan ang mga may water impound o irrigated ang kanilang mga palayan.

Nasa 80% na aniya ang naipamahaging binhi ng kanilang tanggapan at hanggang Biyernes na lamang ang schedule ng distribution.

Samantala, sa susunod na linggo ay nakatakda naman silang mamahagi ng fertilizer voucher sa mga rice farmer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *