IATF posibleng hindi na palawigin ang ‘red list’ sa gitna ng banta ng Omicron variant

Malaki ang posibilidad na hindi na madagdagan ang mga bansang kasama sa ‘red list’ ng Inter-agency Task Force.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nagkaisa ang Task force na huwag nang paliwigin pa sa ibang mga nasyon ang travel ban ng Pilipinas dahil sa pangamba sa Omicron variant.

Paliwanag ni Vergeire ang pinaghahawakang prinsipyo ng IATF ay ang dahilang hindi pwedeng isara ang bansa mula sa iba’t-ibang lugar sa mundo.

Sa halip inirekomenda umano ng mga eksperto na mas pag-ibayuhin at higpitan na lamang ang protocols at border control.

Aminado naman ang opisyal na hindi mapipigilan ang pagpasok ng naturang variant sa Pilipinas at ang kailangan gawin ay paghandaan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *