ICR na nagsisilbi ngayong quarantine facility sa lungsod ng Legazpi plano ng LGU na gawin na lamang swab testing area

BICOL—Posible umanong gawin na lamang na swab testing area ang Ibalong Centrum for Recreation (ICR) sa lungsod ng Legazpi sa mga susunod na raw.

Ang nasabing pasilidad ay nagsisilbi ngayon bilang quarantine facility ng mga suspected at mild COVID-19 patients.

Sa isang panayam sinabi ni Mayor Noel Rosal na patuloy ngayon ang kanilang pakikipag-ugnayan sa iba pang mga hotel sa lungsod para sa karagdagang quarantine facility.

Ito ay upang madecongest na rin ang ICR at unti-unting mailipat  sa mas maayos na pasilidad ang mga COVID patients.

Kaugnay nito ay siniguro naman ng alkalde na tinitiyak pa rin ng lokal na pamahalaan ang mahigpit na pagbabantay sa mga naka quarantine sa mga hotel.

Mababatid na una nang binato ng mga reklamo ang ICR bilang quarantine facility dahil hindi umano ito ligtas at hindi conducive para sa recovery ng isang COVID-19 patient.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *