Mga legasiya ni PNoy inalala ng mga opisyal at maraming Nagueño

NAGA CITY- Inalala ng maraming Nagueño opisyal ng Naga City an mga legasiya ni dating Pangulong Noynoy Aquino o tinatawag na PNoy (President Noy). Pinuri ang pagiging lider, kapartido at kaibigan ng ika-15 pangulo ng bansa.

Halimbawa sa mga ito ay si Mayor Nelson Legacion na tinawag si PNoy na isa sa mga “great leaders”.

Si Aquino ay ilang beses na ring nakapunta sa Naga City kabilang dito ang pangunguna sa paggunita ng Araw ng Kalayaan noong 2014 at noong pumanaw si dating City Mayor at Department o Interior and Local Government Sec. Jess. Robredo.

Minsan na ring humanga ang dating Pangulo sa good governance ng lungsod. Iniwan nito ang mga katagang “Kayang makamit ang mga layunin nang hindi isinasakripisyo ang prinsipyo”.

Samantala dahil sa pagpanaw ng dating Pangulo at bilang pagsunod sa Section 23 ng  Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines ,naka half-must na ang mga bandila sa lungsod at tatagal ito ng sampung araw.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *