Ika-2 civilian-led resupply mission, kasado na sa susunod na linggo

Kinumpirma ng Atin Ito! Coalition na tuloy na tuloy na ang ikakasa nilang ikalawang civilian-led supply mission sa May 15, 2024.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Atin Ito! Coalition Co-convenor Rafaela David, sinabi nitong isasagawa ang supply mission sa bahagi ng Bajo de Masinloc.

Sa harap ng nararanasang pambu-bully ng mga barko ng Pilipinas mula sa mga Chinese vessels, sinabi ni David na hindi rin nawawala ang kaba sa kanila.

Sa kabila aniya nito, mas nangingibabawa ang kagitingan ng mga Pilipino na makapaghatid ng tulong.

Sa huli, sinabi ng opisyal na maninindigan ang Pilipinas sa harap ng ginagawang mga pag-atake ng China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *