Pagdaan ng Chinese vessels sa Tawi-tawi, tinawag na ‘innocent passage’ ng WESTMINCOM

Itinuturing na ‘innocent passage’ ng AFP Western Mindanao Command ang Pagdaan ng 4 na Chinese vessel sa Sibutu passage sa Tawi-tawi.

Namataan at kinuhanan ng larawan ng isang lokal na patungo sa bayan ng Bongao ang Chinese Navy ships.

Batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea, ang isang “passage” ay maikokonsiderang “innocent” hangga’t hindi ito nakakagambala sa kapayapaan, kaayusan, at seguridad ng isang coastal state na may hurisdiksyon sa isang lugar.

Ibig sabihin, walang nakikitang problema ang mga otoridad hinggil sa presensya ng nasabing mga sasakyang pandagat sa lugar.

Tiniyak ng WESTMINCOM na nagpapatuloy ang monitoring nila sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *