Ika-5 sunod na rollback sa diesel, kerosene, nakaambang; bawas-presyo sa LPG asahan din

Muling magpapatupad ng rollback sa presyo ng diesel at kerosene, sa ika-limang sunod na linggo, pero maaari namang tumaas ang presyo ng gasolina.

Nabatid na sa unang apat na araw ng trading, nasa halos P1 ang ibinagsak ng presyo ng imported diesel at kerosene, habang P0.58 ang itinaas ng gasolina.

Umaasa ang gobyernong mabaligtad ang trend sa gasolina dahil sa pagtaas ng interest rates ng Estados Unidos.

Samantala, nakikita rin ang posibleng rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) sa Agosot 1 na ikaapat na sunod-sunod na buwang bawas-presyo.

Mula Mayo, nasa P12 na kada kilo ang nai-rollback ng LPG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *