NCR, Calabarzon, at ilang probinsiya uulanin dahil sa bagyong Ester at Habagat

Apektado ng Tropical Depression “ESTER” at Habagat ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zambales, Bataan, Aklan, Antique, at Samar Provinces.

Ang nabanggit na mga lugar ay mamaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.

Sa monitoring ng PAGASA huling namataan ang Tropical Depression “ESTER” sa layong 790 km East ng Itbayat, Batanes (21.6°N, 129.4°E) na may maximum sustained winds na 45 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 km/h .

Mabagal itong gumagalaw sa Hilagang Hilagang Kanluran.

Posible pa rin ang mga flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng  bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon at Localized Thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *