Ilang bahagi ng Cagayan at Isabela isinailalim sa signal no. 3 dahil sa bagyong ‘Florita’

Nagbabala ngayon ang PAGASA kaugnay sa mararanasang malakas hanggang sa matinding pag-ulan ang sa Cagayan, Isabela, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region at Zambales dahil sa bagyong Florita.

Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na kung minsan ay matinding pag-ulan naman ang inaasahan sa hilagang bahagi ng Aurora, Bataan, Tarlac at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Ang natitirang bahagi ng Central Luzon ay inaasahang makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan na kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Sa pinakahuling weather advisory ng PAGASA, isinailalim na sa signal number 3 ang northern at eastern portion ng Cagayan at silangan bahagi ng Isabela.

Signal number 2 naman ang iiral iba pang bahagi ng Cagayan, Babuyan Islands, iba pang bahagi ng Isabela, Quirino, eastern at central portions ng Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the northern portion of Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, northern at central portions ng Aurora.

Nasa Signal No. 1 naman ang Batanes, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan, eastern portion ng Tarlac , Nueva Ecija, ibang bahagi ng Aurora, Pampanga ,eastern portion of Bulacan, Rizal, northern portion of Quezon, Polillo Islands, northern portion ng Laguna at Camarines Norte.

Huling namataan ang bagyong Florita sa 120 km East Northeast of Casiguran, Aurora at kumikilos sa Hilaga-Hilagang Kanluran sa bilis na 10 km/h taglay ang lakas ng hangin na 95 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 km/h.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *