Ilang commodities sa Camarines Norte nakapagtala ng bahagyang increase sa price index noong Disyembre 2021

CAMARINES NORTE- Naitala ang bahagyang pagtaas sa price index ng ilang commodities sa lalawigan ng Camarines Norte noong Disyembre 2021 sa month- on- month comparison .

Batay sa Special Release report ng Philippine Statistics Authority (PSA) patungkol sa Consumer Price Index for all Income Household in Camarines Norte, naitala ang bahagyang pagtaas ng presyo sa Restaurant and Miscellaneous Goods and Services at Food and Non- alcoholic Beverages.

Mayroon ding bahagyang increase sa price index ng pabahay, tubig, kuryente, Gas and other fuels, Health, Communication, Recreation and Culture, Furnishings household Equipment and Routine Maintenance of the house, gayundin sa Alcoholic Beverages and Tobacco.

Sa kabilang dako nagkaroon namang pagbaba sa price index sa Transport noong Disyembre kumpara noong Nobyembre.

Habang ang mga commodities tulad ng Education, Clothing and footwear ay stable ang price index.

Noong Disyembre rin naitala ang pinakamabagal na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa lalawigan sa buong taon ng 2021 sa antas na 2.7 % na mas mababa sa 6.9 % sa parehong panahon noong 2020 at 4. 3 % noong Nobyembre

Ang piso noong 2012 ay katumbas na lamang ng 71 centavos noong Disyembre 2021.

Ibig sabihin kakailangan ng isang consumer  nang P140. 80 para makabili ng parehong dami ng produkto noong 2012 na may halagang P100.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *