Ilang drinking stations sa mga paaralan sa Naga City natuklasang dumaraan sa tubo ng CR

NAGA CITY –Natuklasan ng mga personahe ng City Health Office na may  drinking fountains sa ilang mga paaralan sa lungsod ng Naga na ang tubo ay dumadaan sa comfort room, ayon kay Allen Reondanga, head ng City Events Protocol and Public Information Office sa pagharap niya sa Press Conference kahapon.

Sinabi ni Reondanga na ang ganitong sistema ay dapat na maitama para matiyak na malinis ang maiinom na  tubig ng mga bata ng mga guro at iba pang gumagamit ng drinking fountains o water stations sa mga paaralan.

May programa ang City Government na dagdagan pa ang mga water stations lalo na ngayong tag-init para maibigay iyong pangangailangan na tubig ng bawat paaralan ngunit kailangan na i-double check ang pagkakabit ng tubo para hindi na ito dumaan pa sa banyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *