Pagdagdag sa bilang ng mga senior citizen na nagpapadala sa ospital posibleng dahil sa Heat Stress- CDRRM Naga

NAGA CITY- Nadagdagan ang bilang ng mga senior citizen na nagpapadala sa ospital base sa record ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRM) ng Naga City.

Sa pagharap sa media ni CDRRM Officer Erning Elcamil sinabi nitong dumami ang mga nagpapasundo sa ambulansya na nais magpadala sa ospital dahil sa kanilang karamdaman ayon sa responding team.

Una nang sinabi ni Mental Health Coordinator Magno Reyes  na kapag ka nasa heat stress ay nasa kondisyon kung saan dahil sa sobrang init hindi na nakakapagtrabaho ng maayos, naiirita lagi o laging umiit ang ulo at iba pang mga simpleng kondisyon na nauuwi sa mas matinding epekto sa kalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *