Ilang dumarayong manininda mula pa sa loob at labas ng Bicol Region, sinamantalang makapagtinda ngayong peñafrancia fiesta sa Naga City; bentahan sa ngayon matumal pa

NAGA CITY – Sinamantala ng ilang mga dumarayong manininda na ang iba ay mula pa sa Pampanga at Albay, na makapagtinda ngayong Peñafrancia Fiesta sa Naga City.

Kung saan nakapwesto ang ilan sa kanila at karamihan mga dayo partikular sa Balatas Road sa lungsod, mayroon sa may Cathedral, at sa ilang area ng kasentruhan.

Sa panayam kay Rizza Taruc, RTW Vendor, mula pa sa San Luis, Pampanga, na ang mga benibante ay mga bed sheet na nasa P100.00-P150.00 ang presyo, punda P60.00 depende pa sa klase at unan na nasa P150.00 ang isa. Unang pagkakataon na makapagtinda at umaasang kikita at makakabawi lalo pa’t naging basehan nila na magandang magtindasa lungsod.

Isang hamon lamang para sa kanila na kung paano makikitungo lalo pa’t magkaiba ang kultura at pag-uugali, lalo pa’t ilang tricycle driver din kasi ang nakaharang sa harap ng kanilang mga paninda.

Ayon naman kay Wilma Diamanse, mula pa sa Guinobatan, Albay, at mga bags at accessories ang mga benibenta, malaking tulong at bagay na, ilang taon na rin silang dumarayo sa lungsod tuwing Peñafrancia dahil kilala na sila hindi aniya katulad ng iba na mejo napapamahal sa upa sa pwesto.

Ang lace stainless P100.00 ang presyo, Bag’s na Native P100.00-P350.00 at sa wallet o coin purse P50.00-P100.00 ang isa.

Sa ngayon matumal pa ang bentahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *