Ilang EMBO barangays, nakatanggap ng medical services mula sa Taguig LGU

Higit 3,000 mga residente ng 2 EMBO barangays ang nakatanggap ng health services mula sa Taguig City government.

Ang dalawang barangay na ito ay ang South Cembo at Comembo na kabilang sa mga barangay na mula sa Makati na ngayon ay nasa ilalim na ng jurisdiction ng Taguig.

Mababatid na hi-nold muna ng ng lokal na pamahalaan ang “Love Caravan” na siyang may medical, dental, at nutrition services sa iba’t ibang mga EMBO barangay kasunod ng pagsasara ng mga health centers sa lugar.

Nasa 1,400 na mga residente ang nakatanggap ng medical consultation; habang umabot naman sa 1,500 ang mga residente nakapagpakonsulta sa Cocembo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *