Ilang lugar sa Central Luzon, nasa ilalim ng alert level 4 ng DOH

Isinailalim ng Department of Health sa alert level 4 ang ilang lugar sa Central Luzon dahil sa mataas na bilang ng COVID-19 at mataas na hospital occupany rate.

Kabilang dito ang Angeles city, Bataan, Pampanga, Olongapo city at lalawigan ng Tarlac.

Ang mga lugar na isinailalim sa pinakamataas na lebel o ang alert level 4, ay nasa case classification na moderate to critical risk at ang COVID beds o ICU utilization rate ay lagpas na sa 70%.

Kaya ang mungkahi ng kagawaran, magpatupad ng granular lockdowns, hanapin ang mga aktibong kaso, maaaring gumamit ng rapid antigen tests sa mga lugar na may Delta variant cases, damihan ang hospital beds sa level 2 at 3 hospitals at siguraduhin ang oxygen availability.

Samantala nasa alert level 3 naman ang Bulacan at Nueva Ecija, habang alert 2 ang Zambales at Aurora.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *