Ilang mga Senador, pinatitiyak sa Gobyerno na kaya nitong tugunan ang monkeypox virus

Naniniwala ang ilang mga Senador na dapat ay matuto na ang ating Health Officials sa naging preperasyon nito at response sa umiiral na COVID-19 pandemic, pagdating naman sa mga hakbang nito para maiwasan ang pagkalat ng monkeypox sa bansa.

Ito nga ay makaraang kumpirmahin kahapon ng Department of Health na nakapasok na sa Pilipinas ang monkeypox kung saan ay na-infect ang isang 31-year-old Filipino na nagmula sa abroad.

Nanawagan si Senate commitee on health chairperson Senador Bong Go sa Gobyerno na pagtingin pa ang awareness, detection, disease surveillance at containment efforts.

Nakatakda umano itong maghain ng isang resolusyon na layong atasan ang DoH at iba pang mga concerned agencies para magkaroon ng mga spesipikong istratehiya para mapalakas ang capability ng ating healthcare system.

Ngayong natuto na umano tayo sa ilang mga pandemic response dulot ng COVID-19, katuwang ang siyensya ay sana raw kayanin na ng Gobyerno na i-handle ang monkeypox.

Umapela naman si Senador JV Ejercito kay Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ito ng task force vs monkeypox.

Aniya, nararapat lamang na maipamahagi ang tamang impormasyon sa publiko hinggil sa sakit.

Para kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, napapanahon nang magtalaga ng pormal na DOH Secretary.

Sa huli, wala umanong dapat ika-panic ang publiko ngunit kinakailangan pa rin ng masinsinang pagpa-plano.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *