Quake-hit areas, asahang uulanin bukas

Asahan pa rin ang maulan na panahon ngayong weekend.

Ayon sa PAGASA, patuloy pa ring magdudulot ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang Southwest Monsoon o ‘yung Hanging Habagat sa malaking bahagi ng bansa partikular sa Western section ng Southern Luzon, Metro Manila, at sa Western section ng Visayas.

Samantala, ang Tropical Depression Ester naman ay huling namatan sa layong 550 km silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 45 kilometro kada oras at bugsong aabot ng 55 kilometro kada oras.

Hindi na ito inaasahang magla-landfall sa bansa, at posibleng bukas ng umaga o tanghali ay lalabas na rin sa northern boundary ng ating Philippine Area of Responsibilty.

Ngayong araw, asahan pa rin ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong kasamang kidlat at kulog sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Zambales, Bataan, Antique, Aklan at sa Samar Provinces.

Bukas naman ay inaasahang uulanin ang Northern Luzon area kabilang na ang mga tinamaan ng malakas na lindol kamakalawa kasama diyan ang Ilocos Region, Cordillera at Cagayan Valley.

Dahil dito, pinayuhan ang publiko na umiwasw na sa mga landslide prone areas dahil napalambot na ang lupa sa mga lugar na ito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *