Ilang paaralan sa Sorsogon, gagawing model schools ng gobernador ng lalawigan

SORSOGON CITY – Patuloy ang pagbisita at pag-inspeksyon ni Sorsogon Governor Boboy Hamor sa mga paaralan ngayong nagsimula na ang face to face classes.

Kasama ang School’s Division Superintendent. na si Jose Doncillo at ilang kawani ng Kapitolyo, pinangunahan ng gobernador ang pag-iikot na umabot na sa sampung paaralan sa kasalukuyan.

Kinabibilangan ito ng Pto.Diaz Central School at Manlanbong Elementary School sa Pto.Diaz; Gubat North Central School at Bagacay Elementary School sa Gubat; Talaonga Elementary School, Sta.Magdalena Central and National High School sa Sta. Magdalena; Matnog Central School at Laboy Elementary School sa Matnog at Gate Elementary School sa bayan ng Bulan.

Sa kanyang pagbisita sa mga nasabing paaralan, hiningi ng gobernador ang suporta ng mga guro sa kanyang isinusulong na programang ‘Kadunungan Project.’

Ayon sa opisyal, naniniwala umano siya na malaki ang magiging benepisyo nito sa mga estudyante.

Nangako ito na sa pamamagitan ng kanyang programa sa edukasyon, gagawin niyang model schools ang ilang mga paaralan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *