Dalawang Resolution para tugunan ang mali-maling meter reading ng Soreco 2, inihain ng Bise Alkalde ng lungsod                                                                                                                                                                                                                                                                               

SORSOGON CITY Sa layuning maprotektahan ang member consumers laban sa mali- maling reading ng mga metro ng Sorsogon Electric Cooperative (SORECO II),  dalawang resolusyon ang ipinasa ng Bise alkalde ng lungsod.

Kinabibilangan ito ng pagsuspendi muna ng pagbabayad ng electric bill ng consumer kung napatunayan na mali ang reading at ang pag-exempt dito na singilin o putulan ng kuryernte hangga’t hindi pa naaayos at navalidate ang kanyang resibo at kaukulang halaga na dapat niyang bayaran.

Pahayag ng opisyal, paraan umano ito upang maging patas ang kooperatiba sa kanilang mga miyembro gayundin masolusyunan ang kung anumang problema kinakaharap sa ngayon  katulad na nga ng inirereklamong maling pagbabasa ng metro ng mga meter reader.

Hakbang din umano ito upang mapangalagaan ang kapakanan ng kanilang mga constituents. Mababatid na sa ginanap na regular session nitong Martes, kinuwestyon ng mga miyembro ng konseho ang umano’y kapabayaan ng nasabing kooperatiba pagdating sa tamang pagbasa ng metro ng mga household matapos magreklamo ang mga ito sa tila hindi tamang singil sa kanila na halos na triple na umano ang kanilang bayarin sa kuryente bagay na matagal nang problema partikular sa tuwing mag-iisyu ng electric bill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *