Ilang pamilya sa Calabanga Camarines sur, inilikas dahil sa banta ng landslides

NAGA CITY- Inilikas ang ilang pamilya sa Calabanga, Camarines Sur partikular na sa Sitio- Buri Camuning dahil sa peligro ng pagguho ng lupa kahapon Enero 4, 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Municipal Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Danny Abalaban, nasa 35 pamilya ang target ng barangay na inililikas doon.

Malakas at matagal na pag-uulan ang naranasan sa nasabing bayan simula noong nagdaang araw dahil sa Amihan kaya delikado na sa landslides.

Samantala, walang pasok sa lahat ng antas ngayon sa buong lalawigan dahil sa epekto ng Low Pressure Area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *