Lalaki sa China bumaliktad ang sikmura dahil sa basahang natagpuan sa kanyang hot pot

ISANG lalaki sa Southwestern China na si Mr. Ning ang bumaliktad ang sikmura dahil sa natagpuang maruming basahan sa kanyang order na hot pot.

Si Mr. Ning ay nag take out ng hot pot mula sa restaurant ng Shao Hotpot sa halagang 213 yuan dahil sa ito ay mag oovertime sa kanyang opisina.

Nang dumating na ang order ni Mr. Ning napansin agad nito ang kakaibang kulay ng sabaw kumpara sa isang kaparehong order niya.

Hindi naman niya ito binigyan pang pansin dahil akala nito ay naparami lamang ang tomato paste kaya agad narin nilang sinimulan ang pagkain.

Sa kalagitnaan ng kanilang salo-salo napansin niya ang malaking serving ng ox tripe o tuwalya ng baka, sa tuwa agad niya itong tinangkang gupitin at sa kasamaang palad ang inakala niyang tuwalya ng baka ay isa palang maruming basahan.

Nandiri at nasuka ang ilang sa kanyang mga katrabaho kung kaya’t si Mr. Ning ay tumawag agad sa Shao Hotpot upang idulog ang kanyang reklamo na agad namang pinaghingan ng pasensiya ng manager doon.

Inalok si Mr. Ning na gagawing triple ng restaurant ang kanyang binayad upang magsilbing bayad danyos na agad naman nitong tinanggihan.

Aniya mas pipiliin niyang ilapit ang kanyang reklamo sa Chengdu Food and Drug Administration kesa tanggapin ang nasabing bayad danyos.

Sa ngayon si Mr. Ning ay naghihintay na lamang ng tugon sa Chengdu Food and Drug Administration para sa kanyang reklamo.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *