Ilang senador, inusisa ang madalas na road repair projects ng DPWH

Inusisa ng Senado ang madalas na reklamo ng publiko sa mga road repair projects ng Department of Public Works and Highways.

Ayon kay Public Works Sec. Manuel Bonan, ginagawa ang pagbungkal sa mga kalsada na mukhang hindi pa sira dahil sa tinatawag na “preventive maintenance” na mas “economical” umano ito.

Pinuna rin ni Sen. JV Ejercito ang ilang kalsada na sinira sa urban areas at ilang beses na pinatungan ng semento na halos kasingtaas na ng mga sidewalk sa kalsada.

Sabi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel III na mahirap paniwalaan ang mga paliwanag ng kalihim.

Ayon kay Pimentel, mas mainam kung babaan na lang ang mga access load limit para tumagal ang mga kalsada.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *