Ilang senador, may resibo sa pagtalakay sa multi-level marketing scheme

Pinaalalahanan ni Senate Committee on Health, Chairperson, Senador Christopher “Bong” Go sa naganap na pagdinig ang Department of Health (DOH) na unahin ang kapakanan ng mga pasyente.

Ito ay matapos mapabalita ang multi-level marketing scheme na isinasagawa ng kumpanyang Bell-Kenz Pharma.

Sa nasabing pagdinig, naglabas ng mga resibo si Senador Raffy Tulfo ng cheke at regalong natatanggap ng mga doktor na nakikipagsabwatan sa nasabing pharmacy.

Habang ipinakita naman din ni Senador JV Ejercito ang di umano’y ginagamit na model ng mga Bell-Kenz Pharma sa pag-ooperate ng kanilang corrupt practices.

Kaugnay nito, tiniyak ni Go aalamin nila ang totoo sa likod nito upang mapanagot ang may sala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *