Ilang senior citizens sa Naga City takot paring magpabakuna sa paniniwalang magiging zombie umano sila

NAGA CITY – Kinokonsiderang “major problem” ng Health Emergency Response Task Force ng lungsod ng Naga ang mababa pa ring percentage ng nagpapabakunang senior citizens. Batay sa kanilang talaan ay nasa 51% pa lamang mula sa target na 85% sa populasyon nito.

Sa pag-iikot ng HERTF sa mga bara-barangay para sa vaccination drive campaign, napag-alaman ng mga ito na kabilang sa dahilan kung bakit takot magpa bakuna ang iba pang mga senior citizens, ay mga sabi-sabing magiging zombie ang mga nabakunahan na.

Ikinadismayang task force ang ganitong dahilan at paniniwala ng mga lolo at lola  na ibinase rin sa mga narinig at nabasang fake news hinggil sa bakuna.

Ayon kay Liga Pres.at Ex –Officio City Councilor Antonio “Dodit” Beltran na miyembro ng HERTF,walang katotohanan ang ganitong notion o maling paniniwala.

Pagbibigay diin pa sa naging panayam ng Brigada News FM Naga, lahat ng vaccines ay dumaan sa masusing pag-aaral at naaprubahan ng Department of Health bago inilabas at itinurok sa mga nasa priority list.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *