58 anyos na lalake arestado dahil sa tupada, apat na iba pa nakatakas

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalake habang nakatakas naman ang apat nitong kasamahan makaraang mahuli dahil sa iligal na sabong o tupada Linggo ng hapon sa Purok 1, Barangay Manmuntay, Basud, Camarines Norte.

Kinilala lamang sa alyas na “Tolits” ang nadakip na suspek, 58 anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Purok 2, Barngay San Jose sa naturan ding bayan.

Ang apat namang nakatakas  na nagsipag pulasan pagdating ng mga pulis ay nakilala sa mga alyas na  “Andy”, “Bong”, “Noy”, at “Ar- ar” na pawang mga residente ng Barangay Manmuntay.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa ng anti- illegal gambling operation ang pulisya sa nasabing lugar nang maaktuhan ang mga suspek na nagtutupada

Nakumpiska ng mga pulis ang tatlong manok na panabong, isa ang patay,isang may sugat at isang buhay, dalawang piraso ng tari at perang pamusta.

Nasa kustodiya ng Basud Municipal Police Station ang naarestong suspek at ang mga narekober na ebedensiya para sa kaukulang disposisyon.

Muli naming nagpaalala ang pamunuan ng pulisya sa Camarines Norte na huwag nang gumawa ng iligal dahil wala itong maidudulot na maganda sa halip ay magiging dahilan pa ng problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *