Illegal fishing at kakulangan sa pondo naungkat na problema sa Calabanga

NAGA CITY – Naungkat at pinag-usapan ang limang konsideradong malalaking problema na patuloy na nararanasan ng sektor ng mangingisda sa Calabanga, Camarines Sur sa ginawang Coastal Resource Management Plan Workshop na dinaluhan ng mga barangay opisyal mula sa 11 coastal barangay, mga concerned goverment agencies representatives at local officials.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Calabanga Municipal Councilor Adonis Aguilar Jr. chairman ng Agriculture and Fisheries Committee sa konseho na ang limang mga problemang ito ay ang illegal fishing, kakulangan o limitadong pondo, ang malalaking commercial fishing boat, hindi pare-parehong benepisyaryo at ang kawalan ng Coastal Resource Management.

Ayon sa konsehal, malalim ang naging talakayan sa mga isyung ito kasabay na rin sa pagbuo ng ilang mga polisiya at adbokasiya para sa mga programa at benipisyaeryong dapat na matanggap ng mga mangingisda mula sa pamahalaan, lalo na ngayong apektado rin sila ng matinding init ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *