Immunization campaign ng DOH Region 2, pinaigting pa

Pinaigting pa ng Department of Health Region 2 ang kanilang immunization campaign matapos magkaroon ng mataas na kaso ng pertussis sa ilang bahagi ng bansa.

Pinangunahan ng DOH- Cagayan Valley Center for Health Development ang naturang kampanya sa pamamagitan ng “Every day is Bakuna Day.”

Nakapaloob sa naturang aktibidad ang ilang routine immunization, catch-up activities at advocacy campaign kung saan target ditto ang mga bata sa lambak.

Pinaalalhanan naman ng kagawaran ng kalusugan ang mga magulang na tiyaking kumpleto ang bakuna ng mga bata upang maiwasan ang pagkalat ng vaccine-preventable diseases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *