Ina ni Sarah Lahbati, pinuna ng netizens dahil sa ginagamit nitong disposable cup

Pinuna ng mga netizens ang ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati dahil sa ginagamit nito sa kusina at hapag kainan.

Makikita at maririnig sa kanyang video na nagsasandok siya ng ulam para sa kanilang driver .

Ngunit imbes na sa pagkain mag focus, may ilang netizens ang pumuna sa binigay nitong lalagyan.

Ang gamit kasi ni Esther: disposable cup ng instant noodles.

Buwelta naman ng ina ni Sarah, marami aniyang mga plato ang kanilang mga empleyado kaya sana’y huwag husgahan ang kanilang pag-trato sa kanilang mga tauhan dahil lang s aisang video.

Pinasalamatan naman ni Esther ang mga naintindihan ang kanyang side.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *