Ireland Prime Minister Varadkar, bumaba sa kanyang pwesto

Inanunsyo ng lider ng Ireland na si Leo Varadkar ang kanyang pagbaba sa pwesto bilang Prime Minister dahil sa mga hindi ibinunyag na poilitical at personal reasons.

Hiniling niya sa gobyerno ang isang bagong pinuno ng partido, na sana’y mahalal bago ang taunang kumperensyang Fine Gael  sa Abril.

Naniniwala rin si Varadkar na ang bagong pinuno na papalit sa kanya ay mas makakatulong na makamit ang lahat ng hangarin nito sa bansa.

Kamakailan lamang ay nasa Washington si Varadkar kung saan nakilala niya si U.S. President Joe Biden para sa mga pagdiriwang ng St Patrick’s Day at mga pag-usuap hinggil sa hidwaan ng Israel-Hamas.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *