India COVID situation, posibleng mangyari sa PH kung di susunod ang mga Pinoy sa health protocols- DILG

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG)  na posibleng mangyari sa bansa ang COVID-19 situation n India kung patuloy na lalabag ang mga Pilipino sa health protocols. 

Ginawa ni Local Government Undersecretary Jonathan Malaya ang warning matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 54 residente sa Quezon City makaraang dumalo sa isang pool party, inuman at videoke session. 

Kaya naman nakikiusap si Malaya sa publiko na maging disiplinado dahi baka mangyari sa Pilipinas ang sitwasyon sa India kung saan tinamaan na ng COVID-19 variants mula sa iba’t-ibang panig ng mundo at marami na ang nasawi.

Aniya, sa ngayon, apat na milyong Pilipino na ang nabakunahan ng gobyerno laban sa COVID-19, pero malayo pa rin ang bilang sa 50 milyong target ng gobyerno para makamit ang herd immunity. 

Dahil dito, umapela si Malaya sa publiko na tigilan ang magtipon-tipon na di lamang ilegal kundi isang banta sa public health. 

Muling iginiit ni Malaya ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lokal na pamahalaan at pulisya makakasuhan ng dereliction of duty at negligence ang mga ito sa oras na magkaroon ng super spreader events sa kanilang nasasakupan. 

Dagdag ng opisyal, mayroon ding pagsipa ng cases sa mga lugar sa labas ng Metro Manila dahil sa mga superspreader events.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *