Inflation, lumobo sa 4.9%

Bumilis pa ang head inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa nitong nagdaang Abril 2022.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bahagyang mas mabilis ito kumpara sa 4 percent na naitalang inflation noong buwan ng Marso.

Pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Nakadagdag din sa pagtaas ng inflation ang paggalaw ng pamasahe sa barko.

Mababatid na kabilang pa sa mga tumaas ang presyo nitong nagdaang buwan ay ang presyo ng kamatis, karneng baboy at manok maging ang bigas.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *